PAALALA NG DPWH RIZAL 2ND DEO
Advertisers
PINAPAYUHAN ni DPWH Rizal 2nd DEO, District Engineer Juan Panganiban ang publiko na iwasan muna ang pagdaan sa Marikina Infanta Road KM 44+000, as of September 4, 2026 ; 7:00am, pansamantalang hindi madaanan ng anumang uri ng sasakyan dahil sa nangyaring landslide.
Ang mga biyahero at motorista ay pinapayuhan na iwasan na muna ang naturang lansangan.
Pinapayuhan ang mga motorista na iwasan ang nasabing kalsada at dumaan sa mga sumusunod na ruta:
• Ruta 1: Para sa mga galing Laguna, dumaan sa Tanay Sampaloc Road (going to Tanay Proper)
• Ruta 2: Para sa mga galing Antipolo, dumaan sa Baras-Pinugay Road
Paalala sa Kaligtasan:
• Huwag piliting dumaan sa baradong kalsada upang maiwasan ang aberya o aksidente.
• Sumunod sa mga panuto ng mga traffic enforcers na nakatalaga sa lugar.
• Magmaneho nang may ibayong pag-iingat, lalo na kung madulas ang kalsada dahil sa ulan.
Nagsasagawa na ng kaukulang pagsasaayos ang Maintenance Division sa pamumuno ni Engineer Catherine Tamayo katuwang ang MDRRMO Baras, Phil. Army, PNP Baras, Bgy. Pinugay Traffic enforcers, Palo alto representative at MERALCO upang maging passable muli ang nadabing lansangan sa mag madaling panahon. (CESAR BARQUILLA)