Advertisers
TINALO ni Alexandra Eala ang Ukrainian na si Oleksandra Oliynykova, 6-1, 6-4, Biyernes ng umaga (oras sa PH) para makapasok sa third round ng US Open sa Louis Armstrong Stadium sa Flushing Meadows, New York.
Kinailangan lang ng No. 17 seed na Filipino ng 64 na minuto para talunin si Oliynykova, na siya ring tinalo niya sa third round sa Strasbourg noong Mayo 18.
“I was pleased with my patience aand my consistency of focus. That was the key to winning the match,” wika ni Eala sa court interview.
Susunod niyang haharapin ang mananalo sa pagitan ni No. 14 na Amerikana na si Iva Jovic at ng walang seed na Britanika na si Francesca Jones.
Tinalo ni Eala ang Amerikang qualifier na si Mary Stoiana, 6-1, 6-2, sa unang round nitong Miyerkules.
Nag-debut si Eala sa US Open noong nakaraang taon, tinalo si Danish Carla Tauson, 6-3, 2-6, 7-6, sa unang round bago matalo kay Spanish na si Cristina Bucsa, 4-6, 3-6.
Noong nakaraang Agosto 3, nanalo si Eala sa WTA 500 Mubadala DC Open. Ito ang kanyang pangalawang singles title matapos ding manalo sa Guadalajara 125 Open sa Zapopan, Mexico.
Si Eala, ang kasalukuyang kamapeon ng Southeast Asian Games, ay makikilahok sa ika-20 Asian Games na gaganapin mula Setyembre 19 hanggang Oktubre 4 sa Aichi-Nagoya, Japan.