Advertisers

Advertisers

Misis binaril-patay ng mister na PSG

0 28

Advertisers

NASAWI ang isang misis nang barilin ng kanyang asawa, na miyembro ng Provincial Security Group (PSG), sa Barangay San Roque, Antipolo, Rizal nitong Huwebes, Oktubre 22.
Kinilala ang salarin na si alyas “Jo”, miyembro ng PSG.
Batay sa imbestigasyon ng Antipolo City Police, 11:45 nang mangyari ang insidente matapos ang pag-uusap ng mag-asawa sa Human Resources Office ng pamahalaang panlalawigan kaugnay ng kanilang napagkasunduang pinansiyal na suporta sa tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa kanilang mga anak.
Pagbalik ni Jo sa kanyang nakatalagang puwesto sa harap ng gate ng Ynares Center, nakita niya ang kanyang misis na si alyas Lyn at pinaputukan ng ilang beses.
Tinamaan sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang misis. Dead on arrival ito pagamutan.
Naaresto naman ng rumes-pondeng mga pulis, sa tulong ng Rizal Provincial Government Security Group, ang salarin at nakumpiska ang armas na ginamit sa insidente.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.