Advertisers

Advertisers

Qualified human trafficking vs Leviste, Paras et al…

0 4

Advertisers

HETO NA!!! Nakatakdang sampahan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DoJ) ng “qualified human trafficking’ charges sina Congressman Leandro Legarda Leviste ng Batangas, dating Cong. Jacinto “Jing” Paras ng Negros Oriental at ilan pang individuals sa napurnadang  “honey trap” laban kay Executive Secretary Ralph Recto.
Kasama sa kakasuhan ang mga abogadong sina Roy Rondain, Orando Mendiola at dalawa pa nilang junior associates sa Rodain and Mendiola Law Firm.
Say ni NBI Director, Atty. Melvin Matibag, isasampa nila ang nonbailabe charges sa DoJ nitong Biyernes, Sept. 4, 2026.
Kapag umakyat sa Ombudsman ang reklamong ito, makakatikim ng malaimpiernong buhay-kulungan ang multi-bilyonaryong anak ni Senador Loren Legarda.
Matatandaan nag-ugat ang lahat nang ito nang maaresto ang sikat na “bugaw” ng mga multi-milyonaryo na si alyas “Ken” at ilang model na “pokpok” na kinontak kuno ni Paras para sa “honey trap” vs  Recto.
Sa imbestigasyon ikinanta ni Ken na si Leviste ang magbabayad sa mga pokpok na ipapaain kay Recto.
Sinasabing layunin ng honey-trap na sirain si Recto para sa ambisyong pagtakbong gobernador sa 2028.
Mahigpit na kalaban sa politika ng Leviste ang Recto sa Batangas.
Ang batang Leviste ay nahaharap din sa reklamong Plunder sa Ombudsman kaugnay ng multi-billion Solar scandal.
Subaybabayan!
***
Si Chief Justice Ma. Lourdes Sereno ay natanggal sa puwesto dahil sa kabiguan niyang makapag-file ng kanyang SLAN habang nagtuturo sa UP Law.
Si late Chief Justice Renato Corona ay inalis din sa puwesto sa pamamagitan ng impeachment dahil hindi niya dineklara ang kanyang P180 million sa kanyang SALN.
Ang mga kaso nila ay iba ba sa kinakaharap na kaso ngayon ni Vice President Sara Duterte?
***
SINIBAK ng Office of the Ombudsman si Bureau of Fire Protection (BFP) chief Jesus Fernandez at kinasuhan sa Sadiganbayan kaugnay ng pagbili ng 132 ambulansya na nagkakahalaga ng P485 million!
Ayon sa Ombudsman, tmanggap si Fernandez ng P14.7m mula sa kumpanyang sangkot sa transaksyon.
Nahaharap si Fernanez sa dalawang kaso ng indirect bribery at 2 paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Ito ang nanapala ng masisiba sa kuwarta!
Nakaw pa more!!!