Advertisers

Advertisers

BATANG ECOZONE, PEZA SANIB-PUWERSA PARA SA ZERO CO₂ EMISSIONS

0 5

Advertisers

Isinusulong ng Batang Ecozone ang pakikipagtulungan sa Philippine Economic Zone Authority (PEZA) para sa pagpapatupad ng mga programang naglalayong bawasan ang carbon emissions at isulong ang mas malinis at sustainable na operasyon ng mga economic zone sa bansa.

Kabilang sa inisyatiba ang paggamit ng makabagong hydrogen decarbonization technology na ipinakikilala ng PHLinks Innovation Inc. katuwang ang Taiwanese technology company na ECOCH.

Sa pamamagitan ng hydrogen-based process, layunin ng teknolohiya na makatulong sa paglilinis ng carbon deposits o soot sa makina nang hindi kinakailangang baklasin ang buong engine, habang nakatutok din sa pagpapahusay ng engine efficiency at pagbawas ng emissions.



Sa promotional material ng PHLinks at ECOCH, kabilang sa mga benepisyo ng proseso ang pagtanggal ng carbon soot, pagpapahusay ng engine performance, pag-iwas sa magastos na engine teardown at overhaul, at pagtulong upang maiwasan ang pagbara ng diesel particulate filters.

Sinusuportahan naman ni Engr Jerenato “Jerry” Alfante ng Batang Ecozone ang pakikipagtulungan sa PEZA upang maisulong ang mas malawak na decarbonization roadmap para sa mga locator at industriya sa ecozone.



Kasama sa mga tinututukang hakbang ang pagpapalawak ng paggamit ng renewable energy gaya ng rooftop solar systems, green power supply, mas mahusay na energy management, monitoring at tracking ng carbon emissions, at unti-unting paggamit ng electric at hybrid vehicles para sa logistics at transportasyon.

Maging ang mga waste-to-energy at circular economy solutions ay maaaring maging bahagi ng pangmatagalang programa upang mabawasan ang industrial waste na napupunta sa landfills at mapakinabangan ito bilang alternatibong source ng enerhiya.



Sa koordinasyon ng Batang Ecozone at PEZA, layunin nitong makabuo ng isang modelo ng environmentally responsible at competitive industrial zone na maaaring tularan ng iba pang economic zones sa Pilipinas.

Sa isinagawang pagpapakilala ng hydrogen decarbonization technology, kabilang sa mga kinatawan ng PHLinks Innovation Inc. sina Jacky Huang, Director; Shella Bauyon, Marketing Director; at mga miyembro ng technical team na sina John Rey Brandes at Prince L. Tamina.

Katuwang nila ang ECOCH Taiwan, na nagde-develop ng teknolohiyang nakatuon sa hydrogen-based engine decarbonization.

Ayon sa mga kinatawan, kabilang sa kanilang pangmatagalang direksyon ang pagdadala at posibleng pagmamanupaktura ng naturang equipment sa Pilipinas, na maaaring magbukas ng oportunidad para sa green technology at sustainable industrial solutions sa bansa.

Samantala, bahagi rin ng koordinasyon ang PEZA leadership, kabilang si Director General Tereso “Theo” O. Panga, at Ecozone Zone Administrator Vincent Sy upang matukoy kung paano maisasama ang mga makabagong green technologies sa pagsusulong ng mas sustainable na operasyon sa mga ecozone.

Nakikitang mahalaga ang hakbang habang patuloy na hinaharap ng mga industriya ang pangangailangang bawasan ang kanilang carbon footprint, mapababa ang fuel consumption at emissions, at mapanatili ang competitiveness ng Pilipinas bilang destinasyon ng mga international investors.