Advertisers
PINASINAYAAN ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang P8.03-billion Panguil Bay Bridge Project sa Northern Mindanao.
Ayon kay PBBM, malaki ang magiging epekto nito sa mga lokal na negosyo sa rehiyon.
Mapapalago rin, aniya, ng proyekto ang local economic activity sa Hilagang Mindanao.
“This inspiring woman, Ms. Erlinda Mojica, runs a small business, dedicated to providing fresh produce to her community,” sabi ni Pangulong Marcos sa kanyang talumpati nitong Biyernes, Setyembre 27.
“Before, when the barge closed at night, there was no choice but to take the long route around the bay, wasting a great deal of time. Now, they can transport their goods whenever they need, no time lost, according to their own schedules.”
Ang 3.16-kilometer bridge na kumokonekta sa Tubod, Lanao del Norte at Tangub, Misamis Occidental ang siyang pinakamahabang water-spanning bridge sa Mindanao.
Dahil dito, magiging pitong minuto na lamang ang biyahe sa pagtawid sa dalawang lugar mula sa dating mahigit dalawang oras.
Ibinida rin ni Pangulong Marcos na nasa 10,000 biyahero kada araw ang makikinabang dito. (Gilbert Perdez)