Advertisers
INAMIN ni Kin. France Castro ng ACT-Teachers Party List na may kabigatan ang laban ng maka-kaliwang Makabayan Bloc sa halalan sa 2025. Isasabak ng Makabayan Bloc ang 11-katao senatorial tiket. Wala itong makinarya, salapi, at katanyagan na kasing laki, lawak, at lakas ng tiket ng administrasyon at ilang kandidato.
Ang pinanghahawakan ng Makabayan Bloc ay ang pagnanasang pulitikal (political will) upang magbigay ng matinding laban kontra sa tiket ng administrasyon at iba pa. Hangarin ng Makabayan Bloc na magharap ng alternatibo sa mga botante. – o pagpipilian.
Sinabi ito ni Castro sa mga mamamahayag sa Kapihan sa Kyusi sa Mangan Tila Restaurant sa isang pulong balitaan kung saan tinalakay niya ang isyu na haharapin ng bansa halalan sa 2025. Ayon kay Castro, inaasahan ng Makabayan Bloc ang matinding reaksyon ng sambayanan sa isyu ng pangingibabaw ng mga dinastiya pulitikal sa bansa.
Tinawag ang tiket ng Makabayan Bloc na “Taumbayan sa Senado” at kasama sina Castro na deputy speaker at Deputy Minority Leader Kin. Arlene Brosas ng Gabriela Party List. Kasama sina Mody Floranda of PISTON transport group, Mimi Domingo of Kadamay, at Jocelyn Andamo from Filipino Nurses United.
Hindi nalalayo sina Jerome Adonis of Kilusang Mayo, dating National Anti-Poverty Commission chair Liza Maza at dating Kin. Teddy Casino ng Bayan Muna Party List, Ronnel Arambulo ng Pamalakaya, Danilo Ramos ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), at Amirah Lidasan na kinatawan ng mga liping katutubo.
***
HINDI nangyari sa kasaysayan ng pulitika ng bansa na mas prominente o tanyag ang Camara de Representante kesa sa Senado. Sa mga nagdaang panahon, laging nangunguna ang Senado sa pagtalakay ng mga pangunahing usapin na humarap sa bayan.
Ngayon, nananaig ang Camara dahil ito ang nag-umpisa ng pagsisiyasat sa mga ginawang mali ng administrasyon ni Gongdi. Ito ang nagsilbing bagong platform upang alamin, palutangin, talakayin, at linawin ang mga isyu sa pagdami ng kompanyang POGO sa bansa na pawang nagdala ng krimen, ang maramihang pagpatay o extrajudicial killings kaugnay sa madugo pero bigong digmaan kontra droga, at kahit ang mga pagpatay sa ilang piling tao tulad ni Hen. Wesley Barayuga at tatlong Chinese na sangkot sa droga.
Nawala ang kinang ng Senado at hindi na tulad ng dati ng prestihiyo nito. Nagsilbing tahanan ito ng mga mangmang, tanga, at payaso na walang ginawang matino kundi ipakita ang kawalan ng kakayahan na talakayin ang ga usapin ng bayan. Ngayon, tanging si Risa Hontiveros at Sherwin Gatchalian ang maituturing masikap na gawin ang trabaho ng isang senador.
Naintindihan namin kung bakit hindi nangahas tumakbo si Leni Robredo at Sonny Trillanes sa Senado. Ninais ni Leni na tumakbo bilang alkalde ng Naga City at si Sonny Trillanes, sa Caloocan City. Si Chel Diokno bumaba sa pagng kandidato ng Akbayan Party List. Hindi na sila tatakbo bilang senador. May pag-asa siya na maging epektib sa Camara.
***
MAS maiging magretiro si Bato dela Rosa at Bong Go. Malaki ang kanilang problema dahil napipilitan silang kumampanya bilang independiente dahil hindi isinama sila sa tiket ng administrasyon. Ang makakasama nila ay ang aktor Philip Salvador na walang kakayahan bilang senador. Malamang na matalo sila.
Sangkot si Bato at Bong Go sa sakdal na crimes against humanity na isinampa laban kay Gongdi at mga kasapakat sa ICC. May posibilidad na dakpin sila upang humarap sa sakdal. Hindi namin alam kung paano sila kakampa para sa susunod na halalan.
Tatakbo bilang mga independent candidate sina Ben Tulfo, Luke Espiritu, at Sonny Matula. Pero imposible silang magsama-sama sa iisang entablado. Hindi katanggap-tanggap si Bato, Bng Go, at Philip Salvador.
***
NAHULI ang talakay sa tiket ng administrasyon. Tinawag ang kanilang ticket na “Alyansa ng Bagong Pilipinas.” Kasama sina Benhur Abalos, Abby Binay, Pia Cayetano, Ping Lacson, Lito Lapid, at Imee Marcos. Kasama sina Mane Pacquiao, Bong Revilla, Tito Sotto, Francis Tolentino, Erwin Tulfo, Camille Villar.
Papalit si Abby Binay sa kapatid na si Nancy na matatapos ang dalawang termino sa Senado, si Camille Villar sa inang si Cynthia. Babalik sina Sotto, Lacson, at Pacquiao. Reeleksiyonista sina Tolentino at Revilla. Tinawag nag a “recycled” politician ang nasa tiket ng administrasyon Nandiyan din ang mga dinastiya pulitikal.
Wala akong nakikitang natatanging talino sa lineup. Sila ang mga walang itinatagong galing. Mahinang klase at kilala bilang mga dinastiyang pulitikal, traditional politician, o trapo, at oportunista. Dahil nasa kanila ang makinarya, malaki ang tsansa nila na manalo.
***
MGA SALITANG DAPAT TANDAAN: “The days of the Senate’s former glory, when statesmen like Salonga, Roco, Santiago, and Pimentel led the crafting of our nation’s laws, are long gone. Today, it is overrun by celebrities, individuals tainted with corruption, and political dynasties made up of brothers and sisters. The situation is deeply disheartening. This time, please vote for the right people. Alalahanin na lang po natin ang kinabukasan ng ating mga anak, mga apo at ang bayan natin na kulelat na sa Progreso laban sa ibang karatig bansa natin.” – Glenn Lopez, netizen, kritiko
“Be brave. Even if you’re not, pretend to be. No one can tell the difference.” – Dolphy
“YOU don’t hire the likes of Topacio, Gadon, Panelo and Roque to win cases. You hire them to create noises, distract, and throw opponents off guard. They are not good lawyers, but they can distract you with their posturings, fallacies, and antics… You hire quiet, low profile, but efficient and competent lawyers to handle the legal works. They are the ones, who do the bulk of legal works, particularly on the finer points of law. Of course, the likes of Topacio, Gadon, Panelo, and Roque are gutter lawyers… They are no hotshots. They are hot shits. Pang-pusali…- PL, netizen, kritiko