Advertisers

Advertisers

Mi Amores!

0 11

Advertisers

Maraming nabigla sa pag-trade ng Minnessota kay Ksrl Anthony Town’s sa New York. Pero naniniwala sila na mas pabor ito sa Knicks kahit kapalit sina Julius Randle, Donte Di Vicenzo at first round pick.

Naging paborito sa East ang NY sa likod ng Boston dahil nagkaroon na sila ng legit All Star na bigman. At saka yung gutom sa unang korona na ka-tandem ni Jalen Bronson. Yun na lang kulang ng Knickerbockers para makipagpukpukan sa kampeonato.

***



Panay pa rin ang mga mungkahi sa Lakers na magdagdag pa ng sentro upang hindi gaano maglaro si Anthony Davis bilang singko.

Lalo pa ngayong naoperahan si Christian Wood.



Lumulutang ang mga pangalan nina Clint Capela ng Atlanta at Mitchell Robinson ng New York.

Marahil pwede pakawalan ni GM Rob Pelinka sino man kina Gabe Vincent, Jalen Hood Schifino, Cam Reddish at kung hihilingin si Rui Hachimura o isang future 2nd round pick.



Kailangan nila talaga ng big man na kayang protektahan ang rim at makasungkit ng mga rebound.

***

Nag pormal proposal na ang Internet content creator na si Zeinab Harake sa bf na si Ray Parks Jr sa isang kumalat na video .

Oo Dean Ipanag, ang Filipina-Lebanese ang lumuhod sa harap ng basketbolista at nagsabi ng Will you marry me” sabay suot ng singsing sa dayunyor ng yumaong long-time PBA import.

Pero may mga ulat ding pang social media lang ang reel at may nauna ng pangyaya na ang Fil-Am na cager ang nag-ask sa jowa.

Ire naman si Olympic double gold medalist Carlos Yulo at online influencer na si Chloe San Jose ay matatag pa rin ang samahan kahit may problema sa pamilya ng gymnast champion.

“ Si Chloe ang nagbibigay sa akin ng peace at motivation, “ eka ni Caloy.

Samantala itong player na nakasuhan ng frustrated homicide na si John Amores ay natsitsismis na may nagregalo ng gasoline station na isang mataas na tao.

Ang naturang naghandog kaya nito ay siya ring opisyal na nagpahayag ng suporta noon nang masangkot ito sa isang basketbrwal?