Advertisers

Advertisers

LTO CHIEF SA BULACAN TIMBOG SA PAKIKIPAGSABWATAN SA FIXER

0 75

Advertisers

Timbog sa ikinasang entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) at Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang hepe ng Land Transportation Office (LTO) sa Bustos, Bulacan dahil umano sa pakikipagsabwatan sa fixer.

Ayon sa ARTA, nasakote si LTO Bustos chief Carlito Diala Calingo noong Setyembre 24 dahil sa umano’y pakikipagsabwatan sa fixer na si Michael Santos Mendoza sa pagproseso ng mga aplikasyon para sa driver’s license.



Nahuli umano sina Calingo at Mendoza na naniningil ng P7,000 para sa driver’s license renewal nang hindi dumadaan sa tamang proseso, ayon pa sa ulat ng PNA.

Isinagawa ang operasyon matapos makatanggap ng anonymous complaint ang Public Assistance Division ng ARTA ukol sa umano’y talamak na “fixing” sa tanggapan ng LTO Bustos.