Advertisers

Advertisers

Comelec sa kandidato na limitado ang pondo: “Mangampanya kayo sa socmed”

0 11

Advertisers

INANUNSYO ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia nitong Huwebes na maaring i-maximize ng “financially-constrained aspirants” para sa 2025 midterm elections ang mga bagong teknolohiya o social media platforms para mangampanya.

Ito ay makaraang ihayag ng Comelec na walang sinumang mag-aagawan para sa isang elective position sa darating na botohan ang madidiskwalipika dahil sa financial status.

Ayon kay Garcia, maaari nang mangampanya sa pamamagitan ng social media dahil sa kasalukuyang makabagong teknolohiya dahil hindi na kailangan pa ng maraming pera para mangampanya.



Nauna nang pinasiyahan ng Supreme Court (SC) na hindi sapat na batayan ang pagiging hindi popular at hindi pagiging miyembro sa isang partidong pampulitika para ideklara ang isang indibidwal bilang isang nuisance candidate.

Nangako ang Comelec na resolbahin ang mga kaso na kinasasangkutan ng mga nuisance candidate para sa 2025 midterm elections sa pagtatapos ng Nobyembre ngayong taon.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">