Advertisers
Kinilala ang kritikal na papel ng barangay sa paghahatid ng serbisyo ng gobyerno sa komunidad, personal na dumalo si Senator Christopher “Bong” Go sa Liga ng mga Barangay Cluster 5 National Congress noong Martes sa SMX Convention sa Pasay City.
Ipinakita sa okasyon ang pagkakaisa at pangako ng mga lider ng barangay mula sa mga lalawigan tulad ng La Union, Apayao, Benguet, Ifugao, Mr. Province, Kalinga, Aurora, Tarlac, Bulacan, Zambales, Bataan, Nueva Ecija, Pampanga, Quezon, Romblom, Mindoro Occidental, Mindoro Oriental, Marinduque, Albay, Catanduanes, Camarines Sur, Camarines, Norte, Masbate, at Iloilo.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Go ang kanyang patuloy na pangakong palalakasin ang tungkulin ng mga opisyal ng barangay bilang frontline ng gobyerno at pangunahing venue kung saan maaaring humingi ng agarang tulong ang publiko.
“Basic delivery of government services, kayo po ang nagdadala. Ang dapat nating pasalamatan ngayong araw na ito ay kayo po, mga barangay captain, mga barangay officials. Sa panahon ng pandemya kayo po ang hero. Naiintindihan ko po ang trabaho ng mga kapitan kaya full support po ako sa inyo nung 2019, 2022, at ngayon po kung anong makabubuti na isulong pa natin, susuportahan ko po ang ating mga barangay officials,” ayon kay Go.
“Isa lang po ang pakiusap ko sa inyo, huwag n’yo pong pabayaan ang ating mga kababayang mahihirap, mga hopeless at helpless na walang ibang matakbuhan kundi tayong mga nasa gobyerno,” dagdag niya.
Binigyang-diin ni Go na mahalaga ang paglilingkod nang may habag at pagpapakita ng walang pasubaling aksyon upang matulungan ang mga Pilipinong nangangailangan.
“Tugmang tugma po ang inyong serbisyong may puso dahil ako, bisyo ko ang magsebrisyo, kayo, dapat serbisyong may puso at malasakit. Itong public service, dapat maluwag sa puso natin ang pagseserbisyo kaya po, serbisyong may puso para sa ating mga kababayan.”
Kinilala ni Go ang presensya ng mga opisyal ng LNB, kabilang si LNB National President Jessica Dy, Provincial LNB Presidents and Board Members Sonny Cariño, Ramon Ortega, at Eric Castillo, Auditor Marcelino Fernandez, Cultural Advisor Rebecca Padilla, Ralph Jonnel Recto, Dennis Rojas, Shernan Cruz , Laddy Gemang, Echie Ponge, RJ Angara, Romeo Austria, Nestor Pacheco, at Atty. Claire Lim, at iba pa.
Namahagi si Go ng mga token bilang pagpapahalaga sa mga dumalo na pinuno ng barangay. Nagbigay din siya ng mga mobile phone, sapatos, at iba pang uri ng tulong.
Dahil sa kanyang kamalayan sa mga paghihirap na kinakaharap ng mga opisyal ng barangay sa pagtupad sa kanilang pang-araw-araw na responsibilidad bilang mga lingkod-bayan, malaki ang papel ni Senator Go sa pagtataguyod ng mga hakbang sa lehislatibo upang mapabuti ang kanilang kapakanan at kakayahan.