Advertisers

Advertisers

Kat Pimentel napikon, netizens ng Marikina tinakot na kakasuhan ng cyber libel

0 62

Advertisers

NAPIKON na sa mga banat sa kanya sa social media kaya pinagbantaan ng asawa ni Senador Koko Pimentel ang mga netizen ng Marikina City na sasampahan ng kasong cyber libel.

Sa kanyang Facebook post, nag-post si Kat Pimentel ng isang Facebook page na may pangalang “Marikina Tiktalk” na sinamahan niya ng komento na ang “pagkakalat ng fake news ay may seryosong kahihinatnan.”

Ayon kay Pimentel, pinag-iingat niya ang admin ng nasabing page sa pagkakalat ng fake news dahil baka kasuhan niya ito.



Bukod sa admin ng nasabing Facebook page, plano rin daw sampahan ni Pimentel ng kaso ang barangay kung saan ito nakatira.

Sa mga ulat, nilaglag umano ni Kat sina Mayor Marcy Teodoro at Marikina 1st District Rep. Maan Teodoro kahit malaki ang naitulong ng mga ito para siya makilala sa siyudad.



Tinawag din si Kat na doble kara dahil batay sa impormasyon ng mga source, matagal na pala siyang nakikipag-usap sa kampo ng mga Quimbo, na siyang karibal ng mga Teodoro sa Marikina.

Nagsilbing tulay umano sa Pimentel at Quimbo ang dating pulitiko na si Del de Guzman. Nagkasundo umano ang dalawang kampo na magsasanib-puwersa laban sa mga Teodoro sa darating na halalan.



Sa una, magdedeklara muna si Pimentel bilang independent bago makipagsanib-puwersa sa mga Quimbo habang papalapit ang halalan.