Advertisers

Advertisers

MARBIL KUKUNIN AT KUKUNIN SI ROQUE

0 38

Advertisers

SIMPLE at direkta ang mensahe ni Philippine National Police (PNP) Chief General Rommel Marbil kay dating Malacañang spokesman Harry Roque na ngayon ay tila nagtatago na batas, at itinuturing ng pugante ng House of Representatives.

“It’s up to him [whether he surrenders or not]. But alam niya naman po yung tama sa mali,” ang pahayag ni Marbil.

Tama naman ang tinuran ni Marbil. Abogado si Roque at pihadong alam niya ang tama at mali.



“Dapat magpakita po siya dito sa House of Representatives” ang sabi pa ni Marbil.

Siyempre lalo mapagdududahan si Roque ng ating mga mambabatas kung siya ay magtatago na, at di sasagot sa mga bintang na siya ay may kaugnayan sa Philippine Offshore Gaming Operations noong sila ang nagpapatakbo ng pamahalaan.



Ang sabi nga ni Marbil, ang pagdinig ng House quad-committee (quad-comm), ay para maliwanagan ang lahat, kaya naman nag-isyu na ito ng arrest order kay Roque nang di niya na siputin ang mga pagdinig at itangging isubmit ang mga dokumentong magpapatunay na di siya involve sa POGO.

Ang ulat nga ni Marbil naiserve na ang arrest order sa opisina ni Roque sa Makati pero wala rin dun ang mama.



Kaya naman ipinag-utos na ni Marbil ang pagbubuo ng tracking team para hanapin na si Roque.

Mahalagang humarap si Roque sa mga inquiry para malinis niya ang kanyang pangalan. Ang kanyang pagtatago, ay maaaring pagdudahan ng karamihan na siya ay talagang may kinalaman at yumaman dahil sa POGO.