Advertisers

Advertisers

KINAKALAWANG AT BUTAS-BUTAS NA ‘HANGING BRIDGE’ SA CALUMPIT, INEREREKLAMO NG MGA RESIDENTE!

0 53

Advertisers

DELIKADO man at buwis buhay, walang magawa ang mga taga-Barangay Iba Este at Iba O Este sa Calumpit, Bulacan kung hindi gamitin ng gamitin ang sira-sirang hanging bridge na malaki ang mga butas ay kinakalawang na ito.

Mayroon naman bangka na puwedeng sakyan papunta sa kabilang ibayo pero may bayad ang isang tao, na mabigat sa bulsa para sa mga residente ng barangay iba este at iba o este na maliit lang ang kinikita.

Mayroon din isa pang mas ligtas na ruta patungo sa kabilang bahagi ng tulay pero higit dalawang oras naman ang kailangan nilang lakarin.



Nitong nakaraang lingo may isang babae ang nahulog sa tulay na ito na bukod sa butas-butas kinakalawang ay ubod ng dulas. Kaya naman kahit peligroso, napipilitan ang mga tao na gamitin ang tulay

Hindi biro ang panganib kapag nahulog sa ilog na bukod sa malakas ang agos ay malalim ang tubig.



Hindi pa batid ng mga residente nagrereklamo sa pitak na ito kung anong taon ginawa ang hanging bridge na gawa sa mga kable at bakal. Pero dahil sa tagal ng panahon at mga pag-ulan, kinalawang na ito hanggang sa masira.

May pag-asa pa kayang magawa ang tulay para hindi naman malagay sa panganib ang buhay ng mga tao Mayor Lem Faustino, Ma’am?
“Noon po Sir Ronald, maliit pa lang po iyong sira [pero] ngayon lumalala na siya… sirang sira butas-butas at kinakain na ng kalawang ang tulay na to.”



Ayon pa sa mga residente, halos limang taon na raw nilang iniinda ang panganib sa kinakalawang at marupok nilang tulay.

Umaasa rin sila sa pangako noon ni Mayor Faustino noong nangangampanya pa lamang ito sa kanilang lugar na diumanoy ipapagawa ang sira-sirang tulay kapag siya umano ay pinalad na maging alkalde.

Ang nasabing tulay kasi ang nagdurugtong sa dalawang barangay papunta sa Brgy. Iba Este at Brgy. Iba O Este sa Calumpit, Bulacan.

Nagtuturuan din ang dalawang barangay kung sino ang dapat magpagawa rito.

Sinabi rin ng mga residente na matagal na nilang idinulog kay Mayor Faustino ang kanilang hinahaing dahil bukod sa delikado ay patuloy itong dinadaanan ng mga residente.

Huwag sanang antayin ni Mayor Faustino namay mag-buwis ng buhay bago ito kumilos?

Alalahanin mo Mayor Faustino madam, malapit na ang halalan baka sa kangkungan kayo pulutin kapag hindi nyo inaksyunan ang problemang ito.

Subaybayan namin ito! Pramis!

***

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0939-7177977 at 0936-8625001 o di kaya mag-email banderapilipino@yahoo.com/balyador69@gmail.com.