Advertisers

Advertisers

“ANGKASangga” magiging kasangga ng 18-M  riders at informal sector

0 39

Advertisers

Opisyal nang naghain ng Certificate of Nomination and Certicate  of Acceptance of Nomination ang “ANGKASangga” nitong Okt.4, ang ikalimang araw ng paghahain ng kandidatura para sa May 2025 national and local elections.

Sinabi ni George Royeca, ang first nominee at CEO ng ride hailing app Angkas na layon ng ANGKASangga Partylist na palawigin ang adbokasiya — pagpapalakas at pag-angat ng antas sa  impormal na sektor sa Pilipinas.



Ayon kay Royeca, positibo ito na makakakuha ng maraming puwesto sa Kongreso kaya naman hinihikayat niya ang 18,000 nagmomotorsiklo , mga habal-habal kasama na ang ibang sektor na sumama sa komunidad ng ANGKASangga para sa bagong buhay at para sa kanilang kinabukasan.

Layon din ng ANGKASangga na mabigyan ng seguridad hindi lamang ang mga riders kundi maging ang mga informal sectors sa buong bansa na hindi nakakakuha ng pormal na benipisyo mula sa gobyerno.



Positibo si Royeca na makakakuha ng maraming puwesto sa Kongreso ang ANGKASangga para maisulong ang karapatan ng informal sectors .

Nakatuon din ito sa pagtatag ng sistema sa Angkas na organisdo.



Ang oportunidad na ito ay hindi lamang ibibigay sa transportasyon kundi maging sa ibat-ibang industriya.

“The informal sectors is a very powerful sectors– they represent 25% of the entire workforce kung isasama natin sila sa total employee ng Pilipinas “, ani Royeca.

“Our journey with Angkas has shown us the immense potential and resilience of the Filipino informal sector. Through Angkasangga, we aim to bring this spirit into the halls of Congress, advocating for laws and policies that ensure their recognition, protection, and development.” dagdag ni Royeca.

Minarkahan ng grupo ang araw ng paghahain ng CON-CAN sa isang engrandeng pagtitipon sa Cuneta Astrodome na dinaluhan ng higit sa 5000 na mga tagasuporta. 

Ang kaganapan ay dinaluhan ng kanilang mga masugid na tagapagtaguyod tulad nina Vice Ganda, Sen. JV Ejercito , Isko Moreno at mga organisasyon ng biker.(Jocelyn Domenden)