Advertisers

Advertisers

MAG-ASAWANG ONLINE SELLERS PATAY SA AMBUSH SA PAMPANGA

0 83

Advertisers

Nasawi ang mag-asawang online seller na kilalang distributor ng mga beauty products nang pagbabarilin ng dalawang armadong salarin sa Mexico, Pampanga noong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang nasa­wi na sina Arvin Dayrit Lulu at Lerma, residente ng Mabalacat City, Pampanga.

Sa report ng Pampanga Police, lulan ang mag-asawang Lulu ng kanilang kotse kasama ang menor-de-edad nilang anak na lalaki nang harangin ng dalawang salarin sa bahagi ng highway ng Brgy. Santo Rosario ng ba­yang ito.



Dinikitan ang sasakyan ng mga biktima ng mga suspect na lulan din ng behikulo saka pinagbabaril ang target na mag-asawa na napuruhan ng mga bala ng bala sa katawan.

Ayon sa pulisya, naisugod pa sa pinakamalapit na ospital ang mag-asawa pero kapwa idineklarang dead-on-arrival habang mabilis na tumakas ang mga salarin.

Masuwerte namang nakaligtas sa insidente ang anak ng mga biktima.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad sa kasong ito kung saan kabilang sa sinisilip na anggulong alitan sa negosyo.(Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">