Advertisers

Advertisers

Bagitong parak timbog sa pagtutulak ng shabu

0 13

Advertisers

ARESTADO ang isang bagitong pulis nang mahuli sa aktong nagbebenta ng iligal na droga sa drug buy bust operation ng mga kabaro nito, Sabado ng gabi, Oktubre 5 sa Butuan city.

Kinilala ang nadakip na si Patrolman Michael Montalban Salgarino, nakatalaga sa 1st Provincial Mobile Force Company at residente ng Barangay Tiniwisan, Butuan City.

Sa report ng Butuan City Police Station 4, gabi ng Sabado nadakip si Salgarino.



Kinumpirma naman ni Colonel Rommel Villamor, Officer-in-Charge ng Butuan City Police, na isang AWOL si Salgarino.

Inihanda na ang mga kasong isasampa laban na pulis na posibleng matanggal sa serbisyo.