Advertisers

Advertisers

POLICE CAPTAIN TINODAS NG RIDING IN TANDEM, BINIRA SA SEMENTERYO

0 30

Advertisers

PINAGBABARIL-PATAY ang isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) ng riding in tandem malapit sa sementeryo sa Cagayang De Oro City, Sabado ng gabi.

Sa report ng Police Regional Office-Northern Mindanao (PRO-10), kinilala ang biktima na si Captain Abdulcahar Bacarat Armama, station commander ng Cogon Police Station 2 ng Cagayan de Oro City Police Office.

Sa ulat, pinagbabaril ang opisyal ng riding in tandem malapit sa Greenhills Memorial Park sa Barangay Bulua ng nasabing lungsod.



Bumuo na ng task force ang Cagayan de Oro City Police Office para tugisin ang mga pumaslang kay Armama, produkto ng PNP Academy Masidlak Class of 2017.

Mariin namang kinondena ng PRO-10 ang pagpatay kay Armama, iginiit na ang ganitong pagkilos ng karahasan laban sa mga nag-aalay ng kanilang buhay sa paglilingkod at pagprotekta sa komunidad ay kasuklam-suklam at hindi katanggap-tanggap.

“Our thoughts and deepest sympathies are with the family, friends, and colleagues of P/Cpt. Armamaduring this painful and tragic time. We assure them that we will do all necessary actions to apprehend and bring to justice the perpetrators,” batay sa inilabas na pahayag ni P/BGen Jaysen C De Guzman, PRO-10 Acting Regional Director.

Nananawagan din ang opisyal sa publiko na magbigay ng anumang impormasyon na maaaring makatulong sa kanilang pagsisiyasat.

Sa isang pahayag ng pamilya ng biktima na ipinost sa social media, isang pinakamahusay na ama si Armama sa kanyang mga anak, responsableng asawa, mapagmahal na anak, mabait, mapagbigay, maalalahanin at maginoo.



Lantad din ang paglaban niya sa ilegal na droga.

Walang takot anila na pinangunahan ni Armama ang kaso laban sa mga sindikato ng droga, upang gawing mas ligtas na lugar ang lungsod.