Advertisers

Advertisers

PAMILYA AGUILAR NG LAS PINAS CITY, NAGHAIN NG COC PARA SA 2025 LOCAL ELECTIONS

0 78

Advertisers

“SA aking pagtakbo bilang Mayor, ang aking layunin ay palakasin pa ang mga programa sa edukasyon,kalusugan at kaligtasan. Magpapatuloy tayo sa pakikipagtulungan sa mga ahensiya tulad ng MMDA at DPWH upang tugunan ang problema sa trapiko at pagbaha sa ating lungsod.”

Ito ang naging pahayag ni Vice Mayor April Aguilar at nakitang mga hamon at pangangailangan ng komunidad dahilan upang ipagpatuloy ng pamilya Aguilar na muling pumuwesto at maglingkod ng tapat sa publiko sa Lungsod ng Las Pinas.

Ngayong Araw, Oktubre 7,2024 ay opisyal nang naghain ng kani-kanilang Certificate of Candidacy sina incumbent Mayor Mel Aguilar, Vice Mayor April Aguilar, at Alelee Aguilar, para sa darating na 2025 National and Local Elections.



Si Mayor Mel Aguilar ay tatakbo bilang Bise Alkalde, habang si Bise Mayor April Aguilar naman ang aakyat sa pwesto bilang Alkalde ng Lungsod.

Sa kauna-unahang pagtungtong sa local political arena, si Alelee Aguilar naman ay tatakbo bilang Konsehal para sa 1st District ng Las Piñas, para sa kanyang unang bid para sa isang posisyon sa lokal na pamahalaan.

Ayon sa nakababatang Aguilar, pagtutuunan nito ng pansin ang pangangailangan ng mga kabataan at mga pamilyang nangangailangan ng trabaho at edukasyon at isusulong din niya ang mga programang tutugon sa mga ito.

Binigyang-diin ng mag-inang Aguilar na mahalagang ipagpatuloy nila ang nasimulan na pamamahala at mga nagawa sa kanilang administrasyon upang lalo itong umunlad.

Ang pamilya Aguilar ay sinamahan ng kanilang mga party mate na mga kakandidatong Councilors mula sa una at ikalawang distrito upang maghain ng COC sa Comelec. Napuno naman ang buong paligid ng Las Pinas City Hall dahil sa mga supporters ng Tatak Nene Aguilar na pawang nakasuot ng berdeng t-shirts. (JOJO SADIWA)