Advertisers

Advertisers

Pulis at kasamang bebot huli sa drugs buy bust sa Pampanga; P20m huli sa Cavite

0 253

Advertisers

ARESTADO ang isang pulis at kasama nitong babae sa isinagawang drug bust sa Angeles City, Pampanga.
Isinagawa ng pinagsamang puwersa ng PDEA Region 1 at 3, CALABARZON at Angeles City Police Office ang pag-aresto sa isang patrolman at kasabwat nitong babae sa kahabaan ng Don Jueco Avenue, Barangay Malaban~as Clark view, Angeles City, Sabado ng gabi.
Ayon sa PDEA, aktibong pulis ang kanilang inaresto na hindi muna pinangalanan at nakatalaga sa Bataan PPO Mobile Force.
Dagdag pa ng PDEA, sa bayan ng Mexico, City of San Fernando, at Angeles City nagbabagsak ng droga ang pulis.
Nakuha sa mga suspek ang 2 sachet ng shabu na humigit kumulang 10 grams na hindi bababa sa P68,000 ang street value.

@@@

TIMBOG ang dalawang drug suspects sa buy-bust operation ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) sa Dasmariñas, Cavite kungsaan nakuhanan ang mga ito ng tatlong kilo ng shabu.
Kinilala ang mga naaresto na sina Ranier Reboriano, 25; at Joshua Legazpi, 34, magpinsan at tubong Kalibo, Aklan na kasalukuyang naninirahan sa Cavite.
Ikinasa ng pulisya ang operasyon sa may Tierra Vista Homes kungsaan nahuli ang mag pinsan.
Nag-ugat ang operasyon sa “Coplan Blood Stone” o ang sabwatan ng ilang Tsino at Muslim sa kalakalan ng iligal na droga sa NCR at Calabarzon.
Nabatid na miyembro ang dalawa sa Manila-Mindanao drug network.