Advertisers

Advertisers

Panelo sa Ombudsman: ‘Unexplained wealth’ ni Stella Quimbo imbestigahan

0 15

Advertisers

NANAWAGAN si dating presidential spokesperson at legal counsel Salvador Panelo sa Office of the Ombudsman na imbestigahan ang “unexplained wealth” ni Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo.

“Sabi ko kay Ombudsman (Samuel Martires), bakit hindi niyo imbestigahan ang taong ito. Kasi unexplained wealth iyon,” wika ni Panelo sa kanyang TikTok live, na tinutukoy ang mamahaling damit, relo, alahas, bag at sapatos ng mambabatas.

“Lumabas iyong kanyang mga mamahaling damit, sapatos, bag na bigla na lang lumutang noong siya’y maging kongresista,” sabi pa ni Panelo kasabay ng pagkuwestiyon kung saan niya nakuha ang pera para masuportahan ang maluho niyang pamumuhay, lalo’t isa lang siyang ordinaryong guro bago naging mambabatas.
“Sa panahon noong siya’y ordinaryong guro pa lang, nagta-tricycle, nagji-jeep, ordinaryong mga damit, pero noong naging kongresista, naku!” dugtong pa niya.



Napuna rin ni Panelo ang biglang pagbabago sa pamumuhay ni Quimbo matapos umani ng batikos mula sa netizens dahil sa kanyang maluhong pamumuhay.

“Binabanatan na naman siya kasi si Stella kumakain na raw ng street food,” wika ni Panelo, na nagsabing ordinaryong relo na ang suot ng mambabatas ngayon.

“Too late the hero na kayo, kumbaga nabulgar na ang mga kamalian niyo,” giit niya.

Kinuwestiyon din ni Manila Times columnist Rigoberto Tiglao, na dati ring presidential spokesperson, ang kakayahan ni Quimbo na tustusan ang kanyang maluhong pamumuhay. Sa taya ni Tiglao, aabot sa halos P100 milyon ang branded bags ng mambabatas, gaya ng Chanel, Dior, Goyard, at Birkin, kasama ang kanyang mamahaling relo gaya ng Patek Philippe at Rolex, at kuwintas na Cartier.

Sa kanyang kolum, sinabi ni Tiglao na tinanong niya ang asawa ni Quimbo na si dating Pag-IBIG head Miro Quimbo kung paano nabili ng mambabatas ang kanilang maluhong gamit, ngunit hindi ito sumagot.