Advertisers
NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 1,574 na karagdagang kaso ng COVID-19.
Samantala ay mayroon namang naitalang 80 na gumaling at 18 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.5% (24,125) ang aktibong kaso, 92.6% (408,702) na ang gumaling, at 1.94% (8,572) ang namatay.
Muling nanguna ang Davao City sa may pinakamataas na naitalang mga kaso ngayong araw na nasa 187.
Ang Rizal naman ay nakapagtala ng 96, Pampanga na may 80 habang ang Quezon City ay 69 at 59 naman sa Pasig City. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)