Advertisers

Advertisers

Pintor at Welder huli sa baril sa Bulacan

0 5

Advertisers

Arestado ng pinagsanib na puwersa ng 301st Mobile Company, Regional Mobile Force Battalion 3 (RMFB3), at San Jose Del Monte City Police ang isang pintor na lalaki, dahil sa pag-iingat ng hindi lisensyadong baril sa Brgy Sapang Palay sa nabangit na lungsod.



Sa report na tinanggap ni PNP Provincial Director PCol. Satur Ediong kinilala ang suspek na si alyas “Ping” nasa hustong gulang, residente sa nabangit na lugar.

Base sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad ganap 11:10 ng gabi nang masukol ang suspek habang nakasukbit ang baril sa likurang bahagi ng kanyang katawan.

Nakumpiska mula asa suspek ang isang cal.38 revolver na puno ng bala.

Samantala, nadakip rin sa follow up,operation ng mga pulis ang isang welder sa Brgy, Tungkong Mangga 1:25 ng madaling araw.

Kinilang ang suspek na si Donald Curilan y Nasibog, 47-anyos, binata, ng Brgy, San Manuel, tubong Butuan City.

Nakuha mula sa suspek ang isang Colt magnum 22 na may serial no. 242112, na may dalawang bala.

Kasong paglabag sa Republic Act 10591 o (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang isasampa laban sa suspek.(Thony D. Arcenal)