Advertisers

Advertisers

Illegal na POGO ni Alice Guo, wala sa JOMALIG ISLAND – Mayor Sarmiento

0 51

Advertisers

Hindi illega na Philippine Offshore Gaming Operation o (POGO) na kinasasangkutan ni dating mayor Alice Guo meron ang bayan ng Jomalig Island sa lalawigan ng Quezon.

Ito ang naibulalas ni Jomalig Mayor Nelmar Sarmiento at sinabing butlig-butlig ito na bumibiktima sa mga taong sumasakay sa lkod ng ‘kalabaw’ tuwing tag-ulan na kung tawagin sa kanilang bayan ay POGO.

Tiliwas ito sa ikinakalat ng ilan na tila nais umanong sirain ang masiglang torismo na isa sa pinagkakakitaan ng kanyang mga kababayan.



Habang ang itinuturong gusali na pugad umano ng Philippine Offshore Gaming Operation o (POGO) ay isa pang eskeleton.

Tiniyak din ng alkalde na hindi ito gusali para sa illegal na POGO hub kundi isa itong building na itinatayo para gawing tourist attraction at isang Parola bilang gabay sa mga mangingisdang napapadpad sa lugar.

Dagdag ng alkalde, binubuo lamang ng limang (5) barangay ang kanilang bayan at may 8,000 papulasyon kaya’t monitor ng local government unit ang mga negosyo sa isla.

Hindi rin anya, makakatago si dating mayor Guo sa isla o kahit sinong bagong indibidwal sa kanilang bayan dahil liban sa magkakaanak ang mga residente ay magkakakilala ito.

Sa huli, buo ang loob ng alkalde na harapin ang anumang patawag o imbestigasyon ng kamara at Senado dahil wala umano siyang itinatago.



Paniwala ng alkalde ang nalalapit na eleksyon ngayong 2025 ang ugat ng isyu.