Advertisers

Advertisers

3 arestado sa pag-aalok ng abortion sa Socmed

0 9

Advertisers

Inaresto ang tatlong kataong Philippine National Police-Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) na nag-aalok ng serbisyong abortion sa social media.

Ayon kay Police Lt. Wallen Arancillo, tagapagsalita ng PNP-ACG, isang entrapment ang isinagawa ng ahensiya laban sa mga suspek nitong weekend sa mismong bahay ng mga ito sa Bocaue, Bulacan.



Nauna dito, isang cyber patrolling ang ginagawa ng PNP-ACG hinggil sa abortion nang biglang may nag-message sa dummy account ng kanilang cyber patroller sa Facebook at nagtatanong kung may kakilala itong buntis na gustong magpalaglag.

Dito na nagpanggap ang cyber patrol ng ACG na buntis siya at gusto niyang ipalaglag ang batang nasa kanyang sinapupunan.

Sinabi naman ng suspek na mayroon umano itong irerekomendang kumadrona o midwife na gagawa nito at nagkasundo sila sa P15,000 na bayad sa isasagawang abortion.

Sinundo ng isa sa suspek ang babaeng cybercop sa napag-usapan nilang lugar at dinala ito sa bahay ng mga suspek sa Bocaue, Bulacan subalit lingid sa kaalaman ng mga ito ay nakasunod na ang iba pang ahente ng PNP-ACG sa kanila dahilan ng pag-aresto sa mga ito.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">