Advertisers

Advertisers

MARCOS NAGPASALAMAT SA TULONG NG SOKOR

0 7

Advertisers

NAGPASALAMAT si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kontribusyon ng Republic of Korea (ROK) sa pagpapataas ng antas ng kasanayan sa rehiyon sa pamamagitan ng ASEAN-ROK Technical Vocational Education and Training (TVET) para sa ASEAN Mobility (TEAM) Project.

Sinasabing layunin nitong pahusayin ang kalidad ng mga sistema at palakasin ang katatagan at kakayahan nitong makibagay sa mga teknolohikal na pagbabago, digitalisasyon, emergency services, at climate change.

Sa 25th ASEAN-ROK Summit sa Laos, ipinunto ni PBBM na ang pagrepaso at pag-upgrade ng ASEAN-Korea Free Trade Agreement (AKFTA) ay dapat nakatuon sa pagpapalakas ng relasyon sa kalakalan upang masiguro ang kapwa paglago at kasaganaan.



Aniya, hindi lamang ito dapat magbibigay ng mas malawak na access sa merkado, kundi dapat ding magsulong ng mas inklusibo at dinamikong ugnayang pang-ekonomiya na kapaki-pakinabang sa lahat ng partido, kabilang ang micro, small, and medium enterprises (MSMEs), na magbubukas ng mga bagong oportunidad para sa mga negosyo at mamamayan.

Binigyang-diin din ng Pangulo ang papel ng innovation at entrepreneurship sa pangmatagalang pag-unlad ng ekonomiya sa rehiyon.

Maliban dito, malugod ding tinanggap ng Presidente ang pagtatatag ng ASEAN-Korea Industrial Innovation Centre (AKIIC) upang suportahan ang industriyal na pag-unlad ng mga kasaping bansa ng ASEAN.

Kasabay nito, tinanggap ni Pangulong Marcos ang patuloy na pagpapalakas ng people-to-people at cultural exchanges sa pamamagitan ng mga scholarship, workshop, at aktibidad sa ilalim ng mga kaugnay na sektor, kabilang ang ASEAN-Korea Centre at ang mga sentrong pangkultura sa Seoul, Busan, Gwangju, at Bangkok. (Gilbert Perdez)