Advertisers
PANIBAGONG insidente ng pagpapatiwakal ang nangyari sa isang pampublikong paaralan sa Koronadal City.
Kinilala ang nagpatiwakal na si Rodolfo Gamboa, nasa legal na edad at guwardiya ng DPWH.
Ayon kay Koronadal Central Elementary School-2 (KCES) assistant principal Merlito Paciente, kinukumbinsi nila ang biktima na bumaba sa puno ng narra at nang nagkaroon ito ng tsansa ay bigla siyang tumalon kungsaan nakabigti ang lubid sa kaniyang leeg.
Dagdag ni Paciente, ito ang ikalawang pagtatangka ni Gamboa. Una niyang ginawa ang pagbigti sa gym ngunit hindi ito naisakatuparan dahil masyado umano itong mababa.
Depresyon ang tinitingnang anggulo ng kapulisan hinggil sa nangyari.
Nabatid na bumili pa ito ng bala ng baril noong araw ng Biyernes ngunit nakumbinsing huwag ituloy ang balak na magpakamatay nang kausapin ito ng kaniyang anak.