Advertisers
Nasawi ang 73 taong gulang na babae nang masagasaan ng ambulansya sa Brgy. Poblacion Norte, Sta. Barbara, Pangasinan.
Kinilala ang biktima na isang negosyanteng taga-Brgy. Bued, Calasiao.
Makikita sa footage ng closed circuit television (CCTV) na ang biktima tumatawid sa kalsada nang bigla siyang mabangga ng ambulansya.
Naisugod pa sa ospital ang biktima ngunit idineklara itong dead on arrival.
Ang ambulansya naman, na pag-aari ng Brgy. Zone V sa Bayambang, at maghahatid ng isang pasyente nang mangyari ang aksidente.