Advertisers

Advertisers

PULIS SA MURDER SA BM NG BULACAN AT DRIVER NAKATAKAS SA CRAME!

0 50

Advertisers

Nakatakas mula sa restrictive custody sa Camp Crame si Police Staff Sgt. Ulysses Pascual, isa sa primary suspect sa pagpatay kay Bulacan ABC president Ramilito Capistrano at driver nito.

Ito’y matapos payagan ng bantay na pulis na umuwi saglit dahil may kukunin lang umanong mahalagang bagay sa kanilang bahay.

Ayon kay PNP Public Information Office chief at Spokesperson Police Brig Gen. Jean Fajardo, sinibak na ang bantay na pulis dahil sa pagpapabaya nang hindi na bumalik si Police Staff Sgt Ulysses Pascual sa CIDG kung saan siya pinipigil dahil sa kinakaharap nitong kaso.



Matatandaang dinala sa Kampo Crame at dinisramahan kamakailan si Pascual matapos na matukoy na isa sa mga responsible sa pagpatay kay Capistrano at drayber nito kung saan nasa mahigpit itong pangangalaga ng CIDG.

Bukod kay Pascual, kabilang sa mga tinukoy na suspek sa nasbaing pagpatay ang pinsan nitong si Cesar Mayoralgo Gallardo at dalawang kasabwat na sina alyas Jeff at Lupin na pawang mga pinaghahanap pa ng pulisya.(Mark Obleada)