Advertisers

Advertisers

P161K shabu nasamsam sa 3 tulak

0 14

Advertisers

Kulong ang tatlong tulak ng iligal na droga nang makuhanan ng mahigit P160K halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong mga suspek na sina alyas Obet, 45; alyas Bosho, 36; at alyas Bok, 50, pawang residente ng lungsod.

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, 11:00 ng gabi nang maaresto ang mga suspek ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Camus Street, Brgy. Ibaba.



Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 23.7 grams ng shabu na may standard drug price value na P161,160.00 at buy bust money

Mhaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.(Beth Samson)