Advertisers

Advertisers

Pulis todas sa bangga ng 10-wheeler truck

0 6

Advertisers

Isang kasapi ng Regional Mobile Force Battalion12 na sakop ng Police Regional Office 12, si Patrolman Fahad Asmi Masula, ang agad na namatay ng masapol ang minamanehong kotseng Toyota Vios ng 10-wheeler truck sa Barangay Glamang sa Polomolok, South Cotabato nitong hapon ng Miyerkules, October 16, 2024.



Wasak ang Toyoya Vios ng nasawing 27-anyos na si Masula na taga Koronadal City na siyang administrative capital ng Region 12.

Agad namang nagpakustodiya sa mga kasapi ng Polomolok Municipal Police Station na nagresponde sa insidente ang truck driver na si Ronnie Anggot Torino.