Advertisers
WA epek ang propaganda laban kay dating Yorme Isko Moreno Donagoso na hinihinalang nagmumula sa kampo ng mga kalaban nito sa politika.
Ayon sa mga supporter ni Yorme, sa loob ng kampo nila nagmula mismo ang sinasabing black propaganda laban kay Mayora Honey Lacuna.
“Yung kakampi nila umano ang gumawa ng kuno ay paninira kay Mayora. At ginagawa nila ito para pasamain si Isko sa publiko, pero wa epek ito kasi, kahit anong paninira ang gawin nila ay hindi naman nagbabago ang pagtangkilik at pagmamahal ng mga Batang Maynila kay Yorme Isko,” sabi ng isang source.
Una, dagdag nito, bukas na aklat na sa publiko ang mga paninira kay Kois.
“May nangyari ba sa paninirang iyon, di ba naging mayor nga siya noong 2019, the rest is history, pero hindi sila nagtagumpay, hindi ba?” anang source.
Ang tanong: Bakit nga ba pinababalik si Yorme Isko ng mayorya ng Manilenyo?
Tinupad kasi ni Isko ang ipinangako niya na agad-agad lilinisin niya ang maruruming kalsada ng Maynila nang manalo ito noong 2019 midterm elections.
Ang mga dating amoy-ebak , marumi at magulong commercial district sa lungsod, nilinis niya.
Ang paligid ng Liwasang Bonifacio — na kinaroroonan ng monumento ng “Supremo” ng Katipunan, pinagtiyagaan niyang linisin. Sabi pa nga ni Yorme Isko, “katabi” lang ng dambana ang City Hall pero nagkalat ang dumi, amoy-ebak pa!
Ganito ulit ang kalagayan ng lugar, pinabayaan na, nagbalik sa dating masangsang na amoy ng magkahalong panghi at bantot ng dumi ng tao at nagkalat na ligaw ba aso’t pusa.
Nagbalik ang mga naitaboy na mga batang-hamog at naging pugad uli ng latak ng lipunan.
Akala ni Isko, nang iwan niya ang cityhall at ipagkatiwala ito sa dating biseng-alkalde niya, si Mayora Honey, mapananatili ang ningning at sigla ng paligid at iigpaw ang kabuhayan at buhay ng Manilenyo.
Kung napanatili sana ni Mayora ang iniwang “pamana” ni Isko, talagang Senado na ang target ni Kois, pero ano ang idinadaing sa kanya ng mga Batang Maynila?
Ano ang sigaw nila: Bumalik ka na lang Yorme Isko, at ibalik mo ang ganda at sigla ng Maynila.
Ano ang naging tugon ni Yorme Isko?
“Narinig ko ang daing nila, nararamdaman ko ang hinagpis nila at sino ako para hindi makinig, sino ako para hindi kumilos, sino ako para iwanan sila?”
“Huwag po kayong mag-alala, babalik na po ako.”(BP)