Advertisers

Advertisers

Ilang opisyal at empleyado ng barangay sibak sa ‘ghost employees’ sa CdeO

0 254

Advertisers

SINIPA nang tuluyan mula sa kanilang pagiging elected officials ang dalawang kagawad at pinagmulta ang dating tresurero ng Barangay Puntod, Cagayan de Oro City dahil sa katiwalian.
Isinilbi ni City Mayor Oscar Moreno ang dismissal order sa kasong administratibo mula sa Ombudsman laban kina dating barangay kapitan at kasalukuyang Kagawad Marvin ‘Binky’ Beja, Kagawad Tyler Sia at dating Treasurer Carla Javollino.
Inihayag ni Puntod Punong Barangay Trexie Tinampay na nag-ugat ang dismissal ng tatlong officials nang nagpatupad ng ‘declogging project’ subali’t ‘ghost employees’ ang ginamit o gawa-gawa lamang ang umano’y mga pangalan sa mga nagta-trabaho.
Sinabi ni Tinampay na hirap makapag-paliwanag ang mga respondent kaya natagalan ang kanilang pagsagot sa Ombudsman hanggang nailabas ang ‘guilty’ findings.
Kaugnay nito, mismo ang mga tauhan ng City legal office at City administrator’s office ang tumungo sa bahay ng mga nasabing opisyal at isinilbi ang ‘notice of dismissal’ at ‘order of implementation’.
Pinagmulta naman si Javollino ng P200,000 dahil hindi na ito aktibong trabahante ng barangay.
Iginiit ni Tinampay na walang halong politika ang pagpatupad ng order kahit si Beja pa ang nasa likod ng anim na Ombudsman suspension ni Moreno noon dahil sa isinulong na boxing sports program na ginipit ng nagdaang city council ng lungsod.