Advertisers

Advertisers

38 ELECTION HOTSPOTS PINATUTUTUKAN NI PBBM

0 11

Advertisers

PINATUTUKAN ni Pangulo Ferdinand Marcos, Jr. sa mga awtoridad ang nasa 38 election hotspots sa bansa.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na inatasan sila ni PBBM na tiyakin magiging mapayapa at maayos ang halalan sa susunod na taon.

Isa aniya ito sa mga paksa na natalakay sa sectoral meeting nitong Martes ng umaga.



Ayon kay Remulla, sa nasabing bilang, 27 dito ay mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

“The most immediate here is the elections,” ayon sa Pangulo sa pagpupulong na ginanap sa Palasyo. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)