Advertisers
PINAYAGAN ng Pasig City court si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy at ang kanyang limang co-accused na dumalo sa pagpapatuloy ng Senate investigation kaugnay ng human trafficking at sexual abuses sa loob ng religious organization ngayong October 23.
Ito ang sinabi ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros kungsaan kanyang ibinahagi ang kopya ng order ni Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 159 Presiding Judge Rainelda Estacio-Montesa na pumapabor sa kahilingan ng Senate committee na payagan si Quiboloy at ang kanyang limang co-accused sa legislative investigation sa kabila ng pagtanggi ng kampo ng huli.
Maliban kay Quiboloy, pinayagan ng korte sina Jackielyn Roy, Cresente Canada alias Enteng, Ingrid Canada, Paulene Canada, at Sylvia Cemanes na dumalo sa Senate probe.
“After a careful evaluation of the arguments brought forth by the parties as well as the PNP, the Court hereby resolves to GRANT the request of the Honorable Chairperson of the Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality for the appearance of all Accused before the public hearing of the said Senate Committee on October 23,2024 at 10:00 a.m.,” saad sa order.
Ipinunto rin ni Judge Estacio-Montesa na kinikilala ng Korte ang kapangyarihan ng legislative department na magsagawa ng ‘inquiries in aid of legislation’ na nakasaad sa 1987 Constitution.
Si Quiboloy ay nahaharap sa non-bailable qualified human trafficking charge sa Pasig City RTC Branch 159.
Samantalang sa Quezon City Branch 106, kungsaan si Quiboloy ay nahaharap naman sa child abuse at sexual abuse, ay hindi na sumagot sa kahilingan ni Hontiveros para payagan si Quiboloy sa Senate probe matapos ang kautusan ng Pasig RTC.
“I would like to inform you that replying to your letter has been rendered moot and academic, as the Pasig City Regional Trial Court already granted your request,” sulat ng Branch Clerk of Court na si Kim Arniño sa hirit ni Hontiveros.