Advertisers
NAARESTO na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang salarin sa pagpatay sa abogadong si Joey Luis Wee sa Cebu City.
Kinumpirma ni Atty. Ferdinand Lavin, Deputy Director at tagapagsalita ng NBI, na nahuli ang salarin 11:00 ng gabi nitong Martes.
Hindi na nagbigay ng iba pang detalye si Lavin dahil may isinasagawa pang follow-up operations ang NBI.
Matatandaan na inambus si Atty. Wee, 51, noong Nov. 23, 2020 sa Cebu City.
Kabilang sa tinututukan na anggulo ng mga otoridad ang posibilidad na may kinalaman sa trabaho ni Atty. Wee ang pagpatay sa kanya.
Isa sa mga malalaking kaso na nahawakan ni Wee ang sa ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) hinggil sa overpriced lamp post sa Cebu City na inilagay para sa ASEAN 2007.