Advertisers
ANG Cebu Pacific at The New NAIA Infra Corp. (NNIC) ay ganap nang napanumbalik ang baggage handling system na nakakaapekto sa libo-libong mga bagahe ng pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)) Terminal 3, Pasay City.
Inihayag ng Cebu Pacific Air (CEB) ang pagresolba sa mga pagkaantala sa paghawak ng mga bagahe sa NAIA 3 na nagsimula noong Oktubre 18, 2024.
Sinabi ng CEB na noong Oktubre 20, sa peak of disruption, 400 pasahero ang naapektuhan mula sa 65,000 na lumipad noong araw na iyon. Sa ngayon, nakuha ng CEB ang 80% ng mga left-behind bags habang ang mga checked bags ay pinoproseso na ngayon gaya ng dati.
Ang CEB at ang New NAIA Infrastructure Corp. (NNIC) ay nagtutulungan upang gawing normal ang sitwasyon sa lalong madaling panahon sa pamamagitan ng pagpapataas ng kanilang manpower at manu-manong proseso upang mapabuti ang daloy ng mga bagahe mula sa pag-check-in hanggang sa pag-load nito.
Sa pahayag ng CEB, habang nagsisikap sila na ganap na maibalik ang system, hindi tumitigil ang kanilang mga tauhan sa paghahatid ng anumang natitirang delayed luggage sa mga apektadong pasahero sa lalong madaling panahon. (JOJO SADIWA)