Advertisers

Advertisers

Pagpapaabot ng tulong sa mga sinalanta ng bagyong Kristine sa Bicol tiniyak ni PBBM

0 22

Advertisers

INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Miyerkules ang mga ahensya ng gobyerno na agad na simulan ang rescue at relief operations sa rehiyon ng Bicol partikular na ang mga lugar na binaha ng Tropical Storm Kristine.

Sa isang situation briefing sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) headquarters sa Camp Aguinaldo sa Quezon City, inutusan ng Pangulo ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na gamitin ang mga kinakailangang kagamitan para sa pagbubukas ng lahat ng mga kalsada at tulay na naharangan ng mga debris dahil sa pagguho ng lupa.

Kung hindi madaanan ang mga kalsada, sinabi ng Pangulo na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay dapat makipag-ugnayan sa Department of National Defense (DND) para sa airlifting relief goods, medical equipment at iba pang kinakailangang gamit para sa agarang pamamahagi sa mga apektadong komunidad.



“Maaari din nating tanungin ang Coast Guard. The Coast Guard also plays a part in that naman. So, mag-ready na tayo,” sabi ng Pangulo.

Sa briefing, sinabi ng Office of Civil Defense (OCD) na binaha ang malalaking lugar sa Bicol, na nakaapekto sa mahigit 150,000 residente, batay sa pinakahuling pagtatasa.

Sa Camarines Sur, sinabi ng mga lokal na opisyal na 300 sa 600 barangay ang binaha dahil sa patuloy na pag-ulan.

Nanawagan din ang Pangulo sa mga ahensya na ihanda ang mga rehiyong susunod na tatamaan ng bagyo. (Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">