Advertisers
Nasawi ang 41-anyos na babae at ang anak nitong lalaki nang tadtarin ng saksak ng hindi nakilalang salarin sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Pangao, Lipa City, Batangas noong Martes.
Ayon sa pulisya, posibleng ginahasa pa ang ginang bago pinaslang.
Batay sa imbestigasyon, 4:30 ng hapon nang madiskubre ng kanilang babaeng kapitbahay ang kalunos-lunos na sinapit ng mag-ina.
Nagtungo sa bahay ng mga ito ang kapitbahay at doon nakita na nakabulagta sa sahig ang ginang.
Sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, natuklasan na tadtad ito ng tama ng saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan at walang suot na pang-ibabang saplot.
Sa loob naman ng kanyang kuwarto, nakita ang wala na ring buhay na katawan ng anak na may mga tama ng saksak sa mukha at leeg.
Isinailalim na sa pagsusuri ng SOCO ang mga labi at patuloy pa ang imbestigayon para matukoy kung sino ang salarin at ang motibo sa krimen.