Advertisers
Nagpapatuloy hanggang sa oras na isinusulat ang balitang ito ang ginagawang retrieval operation ng mga otoridad sa nangyaring landslide sa Sitio Purok B, Barangay Sampaloc ng Talisay, Batangas kung saan labing apat na katawan na ang nahukay kabilang ang labing dalawang menor de edad dahil sa magkakasunod na araw ng malalakas na buhos ng ulan dulot ng bagyong Kristine.
Ayon sa report ng Talisay Local Government Unit, ilan mga bahay na nakapaligid sa dalisdis ng bundok ang natabunan ng mga putik at mga bato galing sa land slide na mabilis umanong nangyari kaya’t hindi na nagawa pang makaiwas ng ilan mga residenteng nakatira sa lugar.
Hirap din ilan mga rescuers sa ginagawang retrieval operation dahil sa maputik sa maputik na daan patungo sa lugar ng insidente.
Samantala nasa 311 pamilya o 1,457 indibidwal ang tumutuloy sa evacuation centers.
Walo naman ang kumpirmadong patay sa bayan ng Agoncilio dahil parin sa bagyong kristine.(Koi Laura)