Advertisers
NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 1,387 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Miyerkules, Disyembre 9.
Samantala ay mayroon namang naitalang 156 na gumaling at 7 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.0% (26,545) ang aktibong kaso, 92.1% (408,942) na ang gumaling, at 1.95% (8,677) ang namatay. Sa mga lugar na nakapagtala ng maraming kaso ay ang Batangas na may 71.
Quezon City na may 70 kaso, mayroon namang 64 kaso sa Davao del Norte at 59 sa Benguet habang 57 sa probinsya ng Quezon.
Samantala, may 13 laboratoryo naman ang bigo pa ring makapagsumite ng kanilang datos sa CDRS bago ang paglalabas ng daily report ng Covid-19. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)