Advertisers
Kukulangin na ang kamara ng panahon para talakayin ang impeachment complaint na inihain laban kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen.
Ayon kay House Committee on Justice Vice Chair Rufus Rodriguez, hindi pa rin naisasama sa order of business at hindi pa rin nakakakuha ng kopya ng reklamo ang komite.
Pinaka maaga na maaari aniya itong dinggin ay sa susunod na taon na.
Pero hindi nito isinasantabi na posible pa rin nilang matalakay ang form and substance ng reklamo bago tuluyang mag-break ang Kongreso sa susunod na Linggo.
Punto pa ni Rodriguez na hindi nila maaaring madaliin ang proseso dahil sa isa sa matataas na opisyal ng Hudikatura ang sangkot dito. (Henry Padilla)