Advertisers

Advertisers

Pantay-pantay na budget para sa mga distrito malabo – Yap

0 300

Advertisers

MARIING inihayag ni House Committee on Appropriations chairman Eric Yap na malabo na maging pantay-pantay ang infrastructure allocations sa iba’t ibang congressional districts sa ilalim ng P4.5-trillion proposed national budget para sa 2021.
Pahayag ni Yap, may ibang distrito na tumaas ang infrastructure allocation, jabang mayroon namang maliit.
Kinonsidera aniya nila sa pamamahagi ng pondo para sa infrastructure projects ang ilang big ticket Build, Build, Build projects sa iba’t ibang distrito sa bansa.
“Sa Albay, may ginagawa po tayong expressway dito, normal po na tataas. Katulad sa Benguet, mayroon po tayong nagko-collapse na kalsada even without typhoon ha, without calamity nagko-collapse ‘yun dahil mountainous ‘yung lugar na ‘yun,” ani Yap.
Nauna nang sinabi ni Sen. Panfilo Lacson na ang mga kaalyado ni Speaker Lord Allan Velasco ay nakatanggap ng dagdag na pondo para sa kanilang infrastructure projects habang nabawasan naman ang sa kakampi ni dating Speaker Alan Peter Cayetano.
Samantala, tiniyak naman ni Senate Committee on Finance chairman Sonny Angara na walang “pork” sa proposed 2021 budget, na nakatakdang ratipikahan ng Kongreso nitong Miyerkules ng hapon, Disyembre 9.