Advertisers

Advertisers

KWENTONG KUTSERO

0 18

Advertisers

KAMAKAILAN lang, mariing kinondena ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagpapakalat ng “fake news” at ang manipulasyong tinatawag na “abduct-surface-donate-release” scheme (ASDR) kaugnay sa kamakailang pagsuko ni Fhobie Matias, dating miyembro ng New People’s Army (NPA).

Sa isang online press conference na pinangunahan ng National Task Force to End Local Armed Conflict (NTF-ELCAC) noong Martes, diretsong tinalakay ni BGen. Randolph G. Cabangbang, Komandante ng 203rd Infantry Brigade, ang sitwasyon at sinabi na boluntaryong sumuko si Matias sa tulong ng kanyang kasintahang si Job David, dating rebelde, at ng kanyang ina na si Miriam.

“Nasasaksihan natin ang isang mapanganib na trend ng maling impormasyon na ginagamit upang manipulahin ang opinyon ng publiko at itulak ang isang partikular na agenda,” pahayag ni Cabangbang. “Sinasadyang ikalat ng ilang grupo ang kasinungalingan at binabaluktot ang mga katotohanan upang makabuo ng isang kuwento na nagsisilbi sa kanilang pansariling interes,” kanyang idiniin.



Ibinahagi ni Cabangbang na ang desisyon ni Matias na sumuko ay dulot ng iba’t ibang kadahilanan, kabilang ang kanyang pagkadismaya sa NPA, kakulangan ng suportang medikal para sa kanyang kondisyon sa puso (Dextrocardia), at mga hirap na naranasan niya sa loob ng organisasyon.

Si Matias at David ay dumalo rin sa virtual na press conference at kinumpirma ang kanyang boluntaryong pagsuko. Direktang pinabulaanan ng kanilang mga pahayag ang mga kuwentong ikinakalat ng ilang grupo, kabilang ang mainstream media.

“Sa bundok kasi, ang hirap ng buhay. Naaawa ako dahil nasa magandang kalagayan ako habang siya ay nahihirapan sa kakulangan ng pagkain doon. Minsan, ang pagkain namin ay ‘yung pagkain ng mga hayop. Nang may sumuko noong Disyembre, naiparating sa akin na natanggap na ni Fhobie ang aking sulat. Kaya nagplano kami ng kanyang ina na kapag nakontak ni Fhobie ang kanyang ina, ipoproseso namin ang kanyang pagsuko. Pagkatapos ng kanyang medical leave, ginawa namin ang dapat gawin,” paliwanag ni David.

“Ngayon, hindi na ako mag-aalala sa kanyang kalagayan o magwo-worry na mahulog siya sa bangin. Ngayon, alam ko na malusog na rin siya,” dagdag pa niya.

Habang pinag-aaralan pa ang kanyang karanasan, ipinaabot ni Matias ang kanyang kaginhawaan at pasasalamat na makasama na ang kanyang pamilya at nasa ligtas na kalagayan.



“Nasa maayos na akong kalagayan. Pinoprocess ko pa rin po pero tanggap ko na dito ako at nakakasama ko na ang pamilya ko. Minsan po kasi lumuluwas sila. Napa-check na rin ako tungkol sa kalagayan ko. Malusog na ako at na-overcome ko na rin ‘yung sakit ko noon at nakakatulong ko sila dito,” kanyang ibinahagi.

Sinabi ni Cabangbang na ang paglabas ni Matias sa publiko ay “napapanahon” upang ipakita na hindi totoo ang mga ulat. “Ang puno’t dulo lang naman dito ay manghihingi kayo [ng pera],” tinukoy niya ang mga grupong nagbigay ng pahayag kaugnay sa kaso ni Matias.

Kinondena din niya ang taktika ng “abduct-surface-donate,” kung saan diumano’y inaagaw ang mga tao, pagkatapos ay inilalantad para sa simpatiya ng publiko at pangangalap ng pondo, na madalas ginagawa sa ilalim ng pagkukunwaring adbokasiya ng karapatang pantao.

“Ang scheme na ito ay isang hayagang pagsasamantala sa isang sensitibong sitwasyon para sa pansariling kapakinabangan,” kanyang idiniin.

Talaga nga naman, di lang pamemeste ang gawa nitong mga komunistang-terorista, kung di pati pangangalat ng kwentong kutsero.