Advertisers

Advertisers

Paghahanda sa NAIA ngayong Undas, pinangunahan ng NNIC

0 36

Advertisers

NAKIKIPAGTULUNGAN ang New NAIA Infra Corporation (NNIC) sa iba’t-ibang stakeholders sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bilang paghahanda sa inaasahang pagdami ng passenger traffic sa darating na Undas.

Ang mga hakbang ng NNIC ay bahagi ng “Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2024” ng Manila International Airport Authority na isang inisyatibo upang tiyakin ang tuloy-tuloy at maayos na travel season. Ang pagtutulungang ito ay nakatuon sa pagpapalakas ng security protocols, passenger assistance at traffic management.

Sa pagbuo ng tukoy na papel at responsibilidad ng airport stakeholders, pinapalakas umano ng NNIC ang koordinasyon at pagpapatupad ng karagdagang hakbang upang epektibong mapamahalaan ang pagdagsa ng mga pasahero ngayong peak season.



Kabilang dito ang pakikipagtulungan sa ahensya ng gobyerno kabilang ang MIAA bilang kanyang regulator, Department of Transportation (DOTr), Philippine National Police-Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Bureau of Customs (BOC), Bureau of Immigration (BI), at Bureau of Quarantine (BOQ) upang tiyakin na may sapat na manpower at resources na handang humawak ng inaasahang pagtaas ng trapiko ng mga pasahero.

Nakikipagtulungan din ang NNIC sa mga airline companies na maghikayat ng mas maagang check-in counter openings upang mabigyan ng mas mahabang oras ang mga mag-checheck-in at mabawasan ang oras sa pagpila kapag peak hours.



Ang komprehensibong review ng ground handler at airline equipment deployment ay nagpapatuloy upang tiyakin na may sapat na serviceable equipment na available upang maayos na mapahalaan ang daloy ng bagahe at mga pasahero.

Samantala, nakikipag-usap na umano ang NNIC sa mga transportation service providers upang dumami ang available na transportasyon at madaling mahagilap ng mga pasahero para sa kanilang paglisan sa airport.



May karagdagang parking spaces sa NAIA terminal 3 na magbubukas para ma- accommodate ang mas maraming behikulo at makatulong sa pagpapaluwag ng traffic congestion sa paligid ng airport.

Sa team effort ng mga stakeholders, ang operasyon ng airport ay pinagsanib na hakbang ng iba’t-ibang stakeholders at bawat isa ay may tiyak na papel upang masiguro ang tuloy-tuloy na operasyon sa isang buong taon. Kabilang sa papel na ito ang sumusunod:NNIC bilang airport operator: namamahala ng lahat ng koordinasyon at infrastructure upang matiyak ang episyenteng daloy at traffic management; Airlines: Tinitiyak nito ang timely check-in, efficient baggage handling, at istriktong pagsunod sa flight schedules upang mabawasan ng pagkaantala. Nagkakaloob din ito ng serviceable equipment at kawani upang mamahala ng bagahe at episyenteng umalalay sa mga pasahero; Government Agencies, kabilang ang MIAA, DOTr, PNP-AVSEGROUP, at MMDA: nakikipagtulungan sa airport operator upang tiyakin ang seguridad, mamahala sa traffic, at rumesponde sa mga emergencies sa airport;

Bureau of Immigration (BI): I-facilitate ang mabilis na proseso travel documents, bawasan ang pagkaantala at immigration checkpoints; Bureau of Customs (BOC): Inspeksyunin ang mga bagahe ng pasahero para sa customs compliance habang pinabibilis ang clearance; Bureau of Quarantine (BOQ): Magsagawa ng health screenings upang mapangalagaan ang public health.

Pinapayuhan ng NNIC ang mga pasahero na dumating nang maaga para sa kanilang scheduled flights upang bigyan ng sapat na oras ang security, check-in at immigration procedures.

Ang pagiging updated sa travel guidelines at pakikipagtulungan sa airport staff ay makakatulong din umano para matiyak ang isang hassle-free na karanasan sa panahon ng Undas. (JERRY S. TAN)