Advertisers

Advertisers

ROMUALDEZ NAGKAROON NG P4.509-B NUNG SPEAKER! – AMLC

0 13

Advertisers

ISINIWALAT ng financial investigator ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa Sandiganbayan na ang bank transactions na sangkot kay dating House Speaker Martin Romualdez ay umabot ng P4.509 billion noong siya’y lider ng Kamara mula June 2022 hanggang September 2025.

Ayon kay Atty. Jan Mark Busa, Bank Officer 4 ng AMLC, ang bank transactions noong termino ni Romualdez bilang Speaker ay pangalawa sa major peak sa anim na time-bucket ng AMLC. Ang una ay nasa P3.98 billion mula Abril 2003 hanggang June 2007.

Aniya, ang nasabing activity ay “drastically went down” pagkababa ni Romualdez sa pagka- Speaker.