Advertisers

Advertisers

‘DUTERTE DAPAT MAKULONG!’

0 92

Advertisers

DAHIL sa pag-amin mismo ni dating pangulo Rodrigo Roa Duterte kaugnay ng kanyang responsibilidad sa umano’y maramihang pagpatay hinggil sa operasyon ng kanyang administrasyon bilang dating pangulo hinggil sa war on drugs, nararapat lamang sa kanya na mabilanggo.

Ito ang mariing kahilingan ng “Young Guns” ng Kamara de Representantes sa pangunguna ni Deputy Majority Leader Jude Acidre matapos ang tahasang pag-amin ni FPRRD sa kanyang pagdalo sa Senate Blue Ribbon Committee ukol sa extra judicial killings (EJK) sa war on drugs ng dating administrasyon.

“The former President has publicly accepted responsibility for these deaths,” pahayag ni Acidre. “If we truly stand by our principles of justice and the rule of law, then Mr. Duterte must be held accountable. He must go to jail for these EJKs. This is not about politics; it’s about justice,” saad ni Rep. Acidre.



Diin ng mambabatas, wala sinomang opisyal ng gobyerno ang nasa kapangyarihan ang ma-immune o mapawalang sala kaugnay sa ligal na pananagutan. Sapat na ang pag-amin ni Duterte bilang hustisya sa mga naging biktima ng EJK.

Ipinunto ng Young Guns ng House of Representatives na kung sakali man na mabigo ang ating lokal na korte, napapanahon na rito ang papel ng International Criminal Court (ICC) upang ganap na makamtan ang hustisya para sa mga naging biktima ng EJK at upang maipakita sa taumbayan na walang kinikilingan ang ating batas.



“Duterte’s admission has removed any ambiguity,” on behalf of the group. “Our nation is at a crucial juncture, and the path forward is clear: Duterte must answer to the law. Let this be the moment where we stand firm for justice, dignity, and the lives lost,” diin ni Acidre. (Henry Padilla)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">