Advertisers
Kulong ang dalawang drug suspects na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) nang makuhanan ng mahigit P2.5 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City, Martes ng gabi.
Sa report kay Northern Police District (NPD) Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Paul Jady Doles naarestong mga suspek na sina alyas “Star”, 39, babae at alyas “Tropa”, 40, kapwa residente ng lungsod.
Sa ulat, naaresto ang mga suspek 9:06 ng gabi sa Phase 7A, Package 10, Kaagapay Road, Bagong Silang Brgy., 176.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 375 grams ng shabu na may Standard Drug Price na P2,550,000 at buy bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.(Beth Samson )