Advertisers
TUMALON ang Emilio Aguinaldo College sa solo fourth ng NCAA Season 100 men’s basketball matapos ang masterful 68-58 wagi laban sa Letran Miyerkules, Oktubre 30, sa Filoil EcoOil Centre sa San Juan City.
Pinamunuan nina Harvey Pagsanjan at Nino Ochavo ang paglakbay ng Generals patungo sa kanilang ika-pitong tagumpay sa 14 na laro.
Dahil sa panalo ay lalong tumibay ang kapit ng EAC sa kauna-unahang Final Four appearance simula lumahok sa liga noong 2009.
Pagsanjan ay umiskor ng 13 points,three rebounds at five assists habang si Ochavo nagdagdag ng 10 points, three rebounds at three assists para sa Generals.
Main man King Gurtiza nalimitahan sa nine points, pero humatak ng seven boards at two blocks. Wilmar Oftana bumakas ng eight points at eight rebounds.
Jimboy Estrada umiskor ng 10 points at Vince Cuajao nag-ambag ng 9 points para sa Knights.
Na absorbed ng letran ang kanilang ikawalong kabiguan laban sa pitong panalo para malaglag sa fifth, sa likuran ng EAC.