Advertisers
SINALAKAY ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang isang commercial at residential establishment sa kahabaan ng Adriatico Street sa Maynila na pinaniniwalaang lugar ng scam hub, Martes ng gabi.
Sa ulat, isinilbi ng mga elemento ng PNP at PAGCOR ang search warrant laban sa isang korporasyon 9:00 ng gabi.
Kaugnay ito ng isinasagawang live illegal online love scam at cryptocurrency investment scam sa isang office space doon.
Nasa 69 foreigners at 47 Pilipino ang nasa kustodiya ng pulisya.
Sa foreigners, 35 dito ang Chinese, 11 Indonesian, at 10 Malaysian, sabi ni Colonel Jay Guillermo, hepe ng Cyber Response Unit sa PNP ACG.
“We have a complainant na sinasabi niya, may isang floor – 23rd floor of the building – is involved in a love scam. Ang modus is like mayroong – they’re looking for a relationship and at the end, they would be. Kumbaga, they are asking the victim to invest in cryptocurrency,” ani Col. Guillermo.
Sabi pa ng pulis, walang big boss na nakuha sa kasagsagan ng halos 7 oras na raid at puro empleyado lang ang nadatnan.
Ilang beses na umanong na-raid ang establisimiyento.
Bantay-sarado ng pulisya ang building hanggang nitong Miyerkules ng umaga. (Jocelyn Domenden)